Dead on arrival ang tatlong kalalakihan matapos na pagbabarilin sa bayan ng Lasam, Cagayan.

Kinilala ni PMSG Rey Lorenzo imbestigador ng PNP Lasam ang mga biktima na sina Alyas Mike, 49 anyos, Alyas John, 56 anyos at Alyas Peter, 35 anyos habang ang suspek naman ay si Alyas Oscar, 29 anyos na kapwa residente sa nasabing bayan.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concern citizen kaugnay sa nangyayaring barilan sa Brgy.centro Dos.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa kalagitnaan ng pag iinuman ang dalawang grupo sa isang restraurant sa nasabing barangay nang magkainitan ang mga ito dahil sa panghahamon ng suspek kina Mike at Jhon dahilan upang magsuntukan ang mga ito sa labas.

Dito na nilabas ng suspek ang kanyang baril na Caliber 45 saka pinagbabaril ang dalawa at dahil na rin sa kalasingan ay hindi namalayang nabaril nito ang kanyang kasama na si Peter.

-- ADVERTISEMENT --

Isinugod pa sa ospital ang mga nasabing biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor.

Nabatid na may mga iba pang tao sa nasabing restaurant ngunit dahil na rin sa takot ay hindi na nagawang umawat ng mga ito.

Sa ngayon ay patuloy paring pinaghahanap ang kinaroroonan ng suspect para sa posibleng pagkakaaresto nito.