TUGUGERARAO CITY- Patay ang tatlong matataas na lider ng Communist Terrorist Group o CTG sa engkwentro kahapon sa Maguilling, Piat, Cagayan.

Sinabi ni Captain Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, namatay sa labanan sina Saturnino Agonoy alyas “Peping”, pinuno umano ng Regional Operations Department ng West Front Committee- Cagayan ng Komiteng Rehion ng Cagayan Valley, Mark Canta alya “Uno”, giyang pulitikal at Alyas ” Val” , medical officer.

Ayon kay Pamittan, una umanong nagpaputok ng baril ang rebeldeng grupo matapos na makita ang mga sundalo mula sa 17th Infantry Battalion na nagsagawa ng operasyon matapos na matanggap ang impormasyon ukol sa armadong grupo sa lugar.

Tumagal lamang umano ng limang minuto ang labanan.

Sinabi ni Pamittan na tinatayang 20 hanggang 30 na CTG ang nakasagupa ng mga sundalo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Pamittan, ang initial na impormasyon na nakarating sa 5th ID ay dalawang kalibre 45 at mga supersibong dokumento ang nakuha sa pinangyarihan ng labanan

Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation ng kasundaluhan sa iba pang miembro ng nasabing grupo na nakatakas.