Nilinaw ni Conor McGregor na postponement at hindi cancellation ang kanyang laban kay Michael Chandler na nakatakda sana ngayong buwan dahil sa hindi tinukoy na injury.

Sinabi ni McGregor na na nagtamo siya ng injury bago ang kanyang nakatakdang news conference noong June 3 sa Dublin.

Kinansela ang nasabing press conference na nagbunsod ng mga haka-haka na hindi siya lalaban sa Las Vegas sa June 29.

Ayon sa kanya, hindi naging madali ang desisyon matapos ang konsultasyon sa mga duktor, sa UFC at sa kanyang team.

Dahil dito, makakaharap ni light heavyweight champion Alex Pereira si top-ranked challenger Jiri Prochazka sa main event kapalit ng McGregor-Chandler match.

-- ADVERTISEMENT --