Nanawagan si Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang umano’y palitan ng text messages nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Undersecretary ng Malacañang na si Adrian Bersamin, na tinaguriang “bagman” ng Pangulo.

Ibinahagi ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y mga text messages nina Marcos at Bersamin.

Inilahad ni Tinio na si Bersamin umano ang kumikilos bilang tagapamagitan ng Pangulo kaugnay sa umano’y kickbacks mula sa anomalous flood control projects.

Ayon sa kanila, ang mga mensahe ay nakuha mula kay Batangas Rep. Leandro Leviste.

Bukod sa umano’y P2 billion na delivery, sinabi ni Erice na si Bersamin umano ay may ledger ng mga perang natanggap sa nakaraang taon, kabilang na ang panahon ng kampanya ng Alyansa slate ng Pangulo.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, binanggit ni Erice ang tanong kung bakit hindi inimbitahan si Bersamin ng Senate Pro Tempore Panfilo Lacson at ng Independent Commission for Infrastructure kahit na nabanggit siya sa kanilang imbestigasyon.

Tinukoy din ni Erice kung bakit lumabas ang umano’y text messages matapos ibasura ng House of Representatives ang mga impeachment complaint laban sa Pangulo.

Nang tanungin niya si Leviste, sinabi nito na nag-aatubili siya dahil nakataya ang laban sa makapangyarihang tao at kumonsulta pa sa isang obispo, na nagsabi na huwag muna itong ilabas.