Itinapon na upos ng sigarilyo, pinaniniwalaang sanhi ng grassfire sa Tuguegarao City kahapon
Patuloy pang iniimbestigan ng Bureau of Fire Protection sa Tuguegarao City ang sanhi ng nangyaring sunog sa Centro 9 malapit sa Pinacanauan river kahapon ng hapon.
Ayon kay Denden Avila, punong barangay ng Centro 1, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente kaugnay sa nangyayaring sunog sa kanyang nasasakupan at agad itong itinawag sa BFP.
Sinabi ni Avila na posibleng may nagtapon ng upos ng sigrailyo sa nasabing lugar at dahil mainit ang panahon ay mabilis itong kumalat hanggang sa boundary ng Centro 1 at Centro 9.
Isa pa umano sa posibleng nagpasiklab ng apoy ay ang mga sako-sakong basura na itinanatapon doon ng mga dumadaang motorista na galing sa ibang barangay.
Aniya,mahigpit ang knilang pagbabantay ngunit marami pa rin ang nagtatapon lalo nasa sa gabi na wala ng masyadong tao sa lugar.
Sinabi pa ni Avila na palagian silang nagsasagawa sila ng paglilinis kahabaan ng Teresa Boulevard hanggang sa Pinacanauan river park dahil maraming basura .