Inihayag ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na mas mapapabilis ang impeachment proceedings ng House committee on justice laban kay Vice President Sara Duterte kung hindi siya sasagot sa mga reklano ngayong araw.

Binigyan si Duterte ng 10 araw na magbigay ng kanyang sagot matapos na ideklara na sufficient in substance and form ang impeachment complaints laban sa kanya.

Sinabi ni Ridon na maaaring sa huling linggo ng kasalukuyang buwan, uusad na ang proseso sa pagtukoy sa sufficiency in grounds at susunod naman ang hearing proper.

Ayon kay Ridon, mayroon lamang si Duterte ng office hours para magsumite ng kanyang tugon sa impeachment complaints.

Sinabi ni Ridon, miyemro ng komite, kung sasagot si Duterte, papayagan ang complainants na magbigay ng kanilang tugon sa loob ng tatlong araw, at pahihintulutan si Duterte na magbigay ng rejoinder o sagot sa loob ng tatlong araw.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, mayroon o walang sagot si Duterte, itutuloy ng justice panel sa pagtukoy sa sufficiency in grounds, na unang itinakda sa April 8.

Inaakusahan si Duterte sa impeachment complaints ng hindi tamang paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education, na kanyang pinamunuan mula July 2022 hanggang June 2024.

Inakusahan din siya ng pagbabanta na uupa ng hitman para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.