Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “tuta” nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senador Antonio Trillanes IV ang International Criminal Court (ICC).

Sa kanyang talumpati sa “Free Duterte Now” rally sa The Hague, iginiit ng Bise Presidente na wala umanong hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at wala umanong ibang kasong hinahawakan ang ICC kundi ang kaso lamang ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinaratangan din ng Bise Presidente ang ICC na may alam umano sa mga isyu ng “maletang pera” sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, wala rin umanong hustisya para sa mga Pilipino at maging para sa kanyang ama.

-- ADVERTISEMENT --