Pinalutang ni Sen. Robin Padilla ang tambalang Vice Pres. Sara Duterte at Sen. Imee Marcos sa 2028.

Pagbibida pa ng senador, magsisilbi siyang campaign manager ng dalawa.

Sinabi ito ni Padilla sa Filipino community sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa bungad na pahayag ni Padilla, sinabi niya na nais niyang kilalanin ang susunod na presidente ng bansa, na si Inday Sara Duterte.

Kaugnay nito, inamin ni Vice Duterte na ikinagulat niya ang pagkampanya ni Padilla sa “Sara-Imee” tandem sa 2028 elections.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay VP Sara, hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Padilla sa kanyang mga sinabi.

Ayon kay VP Sara, maging si Senador Imee Marcos ay nagulat nang ianunsyo ni Padilla ang Sara-Imee tandem.

Samantala, sa parehong event, nagbiro naman si Sen. Marcos, kung saan sinabi niya na kamuntik na niyang buntalin si Senator Joel Villanueva sa pag-convene ng Senado bilang isang impeachment court.

Bukod dito, nasigawan niya si Senator Risa Hontiveros, sabay ng paghingi ng sorry.

Kasabay nito, nanawagan siya na magkaisa na suportahan si VP sara at manindigan para sa bayan, para sa konsitutusyon, at para sa ating bansa.