Isiniwalat ng isang testigo mula sa Anti-Money Laundering Council na tumanggap umano si Former House appropriations committee chairperson and Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng P802M mula sa Sunwest Construction, contractor ng sinasabing ghost flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay AMLC lawyer Jan Mark Busa, na tumestigo sa paglilitis ng kasong malversation sa Sandiganbayan, natanggap ni Co ang naturang halaga sa pamamagitan ng mga tseke mula 2019 hanggang 2025.

Saklaw ng panahong ito ang kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng Ako Bicol party-list, kung saan ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno ang pagkakaroon ng interes sa negosyo.

Iginiit ng prosekusyon mula sa Office of the Ombudsman na ang pagtanggap ni Co ng pera ay sumusuporta sa alegasyong nananatili siyang beneficial owner ng kumpanya.

Kasalukuyang pinaghahanap si Co at ang kanyang mga kapwa akusado na opisyal ng Sunwest, habang nakadetain ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways sa mga kulungan sa Quezon City.

-- ADVERTISEMENT --