Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang ₱13.4 milyong halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa isinagawang anti-smuggling operation sa Balingasag, Misamis Oriental.

Ayon sa PCG, nakumpiska ng kanilang mga tauhan ang 336 kahon ng hinihinalang kontrabandong sigarilyo at dalawang sasakyan sa Barangay Mambayaan noong Hunyo 12.

Matapos ang wastong dokumentasyon at imbentaryo, isinuko ang mga nakumpiskang ebidensya sa Bureau of Customs (BOC) Region X noong Hunyo 15 para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) Program ng PCG na naglalayong paigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa smuggling at iba pang ilegal na kalakalan.

Ayon sa PCG, bahagi ito ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng estado at ang ekonomiya ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --