Kinumpirma ni Rueli Rapsing, head ng PDRRMO Cagayan na may isang mangingisda na nalunod sa bayan ng Buguey, Cagayan matapos na pumalaot para mangisda.
Kasabay nito, sinabi ni Rapsing na maituturing na typhoon related ang pagkalunod ng mangingisda na kinilalang si Marshall Bautista, 52 anyos sa bayan ng Buguey na naglayag kahapon upang makapangisda sa kabila ng gail warning na inilabas ng mga kinaukulan.
Bukod dito, sinabi ni Rapsing na may kaugnayan din sa sama ng panahon ang isang missing sa Santa Ana.
Kaugnay nito, sinabi ni Rapsing na nadagdagan pa ang mga isinailalim sa pre-emptive evacuation matapos na umabot sa 711 families o binubuo ng 2, 033 individuals ang lumikas sa bayan ng Aparri dahil sa mga pagbaha hindi lamang dahil sa mga pag-ulan kundi maging dahil sa high tide.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1, 210 families o 3, 611 individuals ang lumikas.
Sinabi ni Rapsing na ang mga apektado ay mula sa 35 barangay sa anim na bayan na apektado ng mga pag-ulan na dala ng baggyong ‘Maymay’.
Samantala, nagkaroon ng rockslide sa Balbalan-Pinukpuk, Kalinga national road.
Sinabi ni Engr. Generoso Mucay ng DPWH Lower Kalinga na bumagsak sa kalsada ang malaking bato mula sa bundok.
Dahil dito, hindi madaanan ang nasabing kalsada at ngayon ay nagsasagawa na ng clearing operation ang DPWH.
Sinabi ni Mucay na palagiang nagkakaroon ng landslide sa nasabing lugar sa tuwing may malalakas na pag-ulan.