TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 13 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang Region 02 ngayong araw kung kaya’t umakyat na sa 1,541 ang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH)-Region 02, mula sa mga bagong naitalang kaso ng virus, pito rito ay mula sa Nueva Vizcaya, tatlo sa Cagayan at dalawa sa Isabela at isa sa Santiago City.
Umabot naman sa 18 ang bagong naitalang nakarekober kung saan pito rito ay mula sa Isabela, siyam sa Nueva vizcaya at tig-isa sa Cagayan at Santiano city.
Sa kabuuan, umakyat na sa 1,514 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 517 ang active cases, isang libo ang gumaling at 24 ang namatay.
Mula sa bilang ng mga active cases ay 62 percent ay Asymptomatic at 38 percent ay nasa mild condition.