TUGUEGARA CITY-Nasa 15 confirmed cases ng covid-19 ang at labing dalawang suspected cases ang kasalukuyang minomonitor ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, mula sa nasabing bilang, walo ay mula sa Cagayan at pito ang mula sa Isabela.
Sa Cagayan, tatlo rito ay mula Tuguegarao City habang tig-isa naman ang mula sa bayan ng Rizal, Piat, Lal-lo, PeƱablanca at Gonzaga.
Sa pitong pasyente naman na mula sa Isabela, tatlo rito ay mula sa Sto. Tomas, dalawa sa Tumauini at tig-isang kaso sa Gamu at Benito Soliven.
Walong suspected cases naman ang nagmula sa Cagayan na binabantayan sa CVMC kung saan tatlo ay mula sa Tuguegarao City, dalawa mula sa Sta. Ana habang tig-isa sa Abulug at Solana.
Apat din na suspected cases ang mula sa Isabela kung saan dalawa ay galing sa City of Ilagan at tig-isa sa Roxas at Quirino.