Kinasuhan ng murder ang isang 17-year old na lalaki dahil sa pagpatay nito sa tatlong batang babae sa isang dance class sa Southport, England.

Bukod sa murder, kinasuhan din ang binatilyo ng 10 bilang ng tangkang pagpatay at possession of bladed article.

Kaugnay nito, sinabi ni Ursula Doyle deputy chief crown prosecutor para sa Crown Prosecution Service Mersey-Cheshire na aktibo ang criminal proceedings laban sa defendant at ibinibigay sa kanya ang karapatan para sa patas na paglilitis.

Matatandaan na namatay ang tatlong batang babae na edad anim hanggang siyam matapos silang pagsasaksakin ng binatilyo noong Lunes Taylor Swift-themed event.

Walong bata at dalawang adults na nasa event sa Hart Space centre ang nasugatan, kung saan ang lan sa mga ito nasa critical condition.

-- ADVERTISEMENT --