Irerepresenta ng dalawang mag-aaral sa Tabuk National High School sa lalawigan ng Kalinga ang Pilipinas sa Road to World Robotics Championship na gaganapin sa China sa April 2023.

Itoy matapos na mag-kampeon sina Ceasar Ace Malannag at Clarence Sunday Rodriguez, Grade 10 Science, Technology and Engineering (STE) students sa 2nd National Creotic MakeX Robotics Competition na ginanap sa Sta. Rosa, Tagaytay.

Ang nasabing competition ay nilahukan ng 32 koponan mula sa ibat-ibang paaralan sa buong bansa.

Kaugnay nito, malugod na tinanggap ang dalawang kampeon sa kanilang pagbabalik sa Tabuk City at binigyan ng malaking pagbati dahil sa ibinigay na karangalan sa kanilang eskwelahan.