Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 260 na iba’t ibang sasakyang pandagat sa West Philippine Sea (WPS) nitong buwan ng Pebrero.

Sa bilang na ito, 19 ang namataan sa mga special features sa WPS.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga na-monitor ang siyam na Chinese Coast Guard (CCG) vessels sa Bajo de Masinloc, pito sa Ayungin shoal, dalawa sa People’s Liberation Army Navy vessel sa Bajo de Masinloc, at isa sa Ayungin shoal.

Kasunod nito, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Sandatahang Lakas sa ating teritoryo at tuloy-tuloy din sa panawagan sa China na itigil na ang kanilang illegal, coercive, at agressive action sa WPS.