
Patay ang tatlong sakay ng cruise ship sa Atlantic Ocean dahil sa pinaghihinalaang hantavirus outbreak.
Ayon sa World Health Organization (WHO), isa ang kumpirmado, habang lima ang mga suspected cases na sakay ng MV Hondius ship.
Ang isang UK national, 69 years old, ay nasa intensive care sa Johannesburg, South Africa, at ayon sa mga local officials – mayroon ito ng nasabing virus.
Mino-monitor naman ng UK Foreign Office ang ulat, at tinitiyak na ang suporta para sa British nationals.
Ang naturang barko ay bumiyahe mula Argentina mula sa Cape Verde.
Mababatid na ang hantavirus ay karaniwang naipapasa sa tao mula sa mga daga sa pamamagitan ng kanilang dumi, laway, o ihi.
Maaari itong magdulot ng malubhang respiratory illness.
Sa ilang pagkakataon, maaari rin itong maipasa mula tao sa tao.






