Patay ang apat katao kabilang ang isang barangay kapitan at pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa kasagsagan ng pista sa Brgy. San Rafael Abajo, Sto. Tomas, Isabela alas-7:50 kagabi.

Kabilang sa mga nasawi sina Barangay Captain Jimmy Paeste Jr. at PCpl Frederick Bautista na dead on the spot dahil sa tinamong tama ng bala habang ilan pa ang sugatan at isinugod sa ospital.

Nabatid na magkakasama ang mga biktima sa isang mesa nang bigla silang paulanan ng bala ng mga suspek.

Tinitingnan ng mga awtoridad na posibleng may kaugnayan ang insidente sa naunang hot pursuit operation ng Sto. Tomas at Delfin Albano police laban sa umano’y Magsanoc Criminal Group na sangkot umano sa ilegal na droga.

Samantala, kinondena ni Sto. Tomas Mayor Leandro Antonio Talaue ang insidente at tiniyak ang ayuda at suporta sa mga pamilya ng mga biktima habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon para matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --