Umabot na sa 7.4 milyon o katumbas ng 2.1 milyong pamilya ang apektado ng Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Nananatili sa 29 ang nasawi, 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala. Samantala, mahigit 40,600 indibidwal o 11,900 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center.

Tinatayang 2,300 kabahayan ang napinsala, habang umabot na sa P4.7 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at P1.7 bilyon naman sa agrikultura.

Ayon sa NDRRMC, nasa P1.1 bilyon na ang naipamahaging ayuda sa mga apektadong komunidad.

Sa ngayon, 89 na lugar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng masamang panahon.

-- ADVERTISEMENT --