TUGUEGARAO CITY-Patay ang walong taong gulang na lalaki matapos na makuryente umano sa isang kasalan sa Brngy.Cagoran,Lallo,Cagayan.

Sinabi ni Police Major Ramon Macarubbo,hepe ng PNP Lallo,sa kanilang imbestigasyon,naglalaro umano si John Oliver Bacuyag kasama ang isa pang bata nang mahawakan umano niya ang open electrical wire sa sound system.

Dinala pa sa pagamutan ang bata subalit idineklara siyang dead on arrival ng mga duktor.

Sinabi pa ni Macarubbo na nagkaroon na ng paunang pag-uusap ang pamilya ng biktima at nang nagpakasal na sasagutin ng huli ang pagpapalibing sa bata.