Madalas na sinasabi na “age is just a number.”

Pinatunayan ito ng isang 88 years old na lolo na si Ploutarchos Pourliakas matapos na makumpleto niya ang kanyang pang-12 na Athens Marathon sa distansiya na 42.19 kilometers.

Tinapos ng lolo ang Athens Marathon aka Authentic Marathon sa loob ng anim na oras at 31 minuto.

Sinimulan lamang ng lolo ang pagtakbo sa edad na 73, matapos na mahikayat siya ng kanyang anak na lalaki, isang ultra-marathon runner, subalit naging kahiligan na niya ito.

Tumatakbo siya ng apat hanggang limang kilometro araw-araw at hanggang 20km sa weekends.

-- ADVERTISEMENT --

Tinapos ng 12 beses ang Athens Marathon, sa kabila ng kanyang pagtanda, gumanda pa ang kanyang performance nitong nakalipas na taon sa 42.19km, mas mabilis ng 18 minuto.