
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga foreign investors na dalhin sa Pilipinas ang kanilang puhunan at kasanayan.
Sa Luzon Economic Corridor Investment Forum sa Taguig City, sinabi ng pangulo na bukas ang bansa sa pangmatagalang partnership sa mga negosyo.
Tiniyak ni Marcos na maaasahan ng mga investor ang matibay na suporta ng pamahalaan at isang maayos na environment para sa kanilang negosyo.
Binigyang-diin ng pangulo na hindi lang market ang Pilipinas kundi isang mapagkakatiwalaang partner sa pagpapalago ng kanilang puhunan.
Kasabay nito, layunin ng pamahalaan na gawing mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino ang pagpasok ng bagong investments.
-- ADVERTISEMENT --










