
Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng dalawang Filipino seafarer na nasawi matapos ang insidente sa Strait of Hormuz noong Agosto 31.
Ayon sa Department of Migrant Workers o DMW, habang sakay ng M/V SIDR ang dalawang biktima nang mangyari ang insidente.
Nauna nang nakauwi noong Setyembre 8 ang 14 pang Filipino seafarer na sakay ng parehong barko.
Samantala, ipinagpapatuloy ng DMW ang imbestigasyon sa manning agency ng dalawang nasawi matapos lumabas na isa sa mga ito ang gumamit ng “refuse to sail” right nang malaman nitong dadaan ang barko sa Strait of Hormuz.
Makakatanggap naman ng iba’t ibang uri ng tulong mula sa pamahalaan ang mga pamilya ng dalawang nasawing seafarer.
-- ADVERTISEMENT --










