Matagumpay na sumailalim sa operasyon si Pope Leo XIV upang alisin ang ibabang bahagi ng kaniyang kanang baga, ayon sa Vatican.

Isinagawa ang procedure sa Agostino Gemelli Hospital sa Rome, Italy, nitong Martes, Oktubre 13, matapos matuklasan ang bukol sa kaniyang baga.

Ayon sa medical update ng Vatican, natapos ang operasyon nang walang komplikasyon. Nagkamalay rin ang Santo Papa gaya ng inaasahan at ibinalik sa kaniyang kuwarto upang magpahinga.

Inaasahang mananatili muna sa ospital ang 71-anyos na pontiff nang humigit-kumulang isang linggo habang nagpapagaling mula sa operasyon.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa susunod na hakbang sa kaniyang gamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Si Pope Leo XIV ay nahalal bilang pinuno ng Simbahang Katolika noong Mayo 2025.