Nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano sa Negros Island nitong Linggo ng umaga, Oktubre 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Namataan ng Canlaon City Observation Station ang pagbuga ng abo mula sa summit crater ng bulkan bandang alas-6:02 hanggang alas-6:04 ng umaga.

Bumuo ito ng kulay-abong usok na umabot sa 150 metro sa ibabaw ng bunganga ng bulkan bago tinangay ng hangin patungong timog-kanluran.

Samantala, nananatili sa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na sumunod sa mga abiso ng PHIVOLCS at umiwas sa mga ipinagbabawal na lugar sa paligid ng bulkan.

-- ADVERTISEMENT --