Nakapag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tinatayang 1,200 hanggang 1,300 special permit sa mga pampasaherong sasakyan bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas 2026.

Ayon kay LTFRB acting chairperson Greg Pua Jr., kabilang sa mga nabigyan ng permit ang mga bus, minibus at passenger van.

Inaasahan pa ng ahensya ang karagdagang aplikasyon sa susunod na linggo, lalo na matapos buksan ng mga provincial bus operator ang kanilang advance at online booking.

Maglalagay rin ang LTFRB ng mga help desk sa ilang terminal upang mapabilis ang pagproseso at pag-isyu ng permit sa mga operator na nangangailangan ng karagdagang sasakyan.

Matatandaang sasapit ang Araw ng mga Santo sa Nobyembre 1, Linggo, habang ang Araw ng mga Pataya ay sa Nobyembre 2, Lunes.

-- ADVERTISEMENT --