Nanindigan si Interior Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng Pilipinas ang puganteng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, sa kabila ng pahayag ng Department of Justice (DOJ) na nasa bansa pa rin ito.

Ayon kay Remulla nitong Miyerkules, Oktubre 21, nananatili siyang naniniwala na nakaalis na si Ang, na umano’y gumamit ng “backdoor” na ruta upang makalabas ng bansa.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na batay sa mga rekord ng Bureau of Immigration, nasa Pilipinas pa rin ang negosyante.

Pinaniniwalaang nasa Southeast Asia o Pacific region si Ang, na itinuturong utak sa pagkawala ng dose-dosenang sabungero.

Nagtatago si Ang mula nang maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng mga kasong isinampa sa pagkawala ng mga sabungero.

-- ADVERTISEMENT --