
Naglabas ang Philippine National Police (PNP) ng 40 subpoena laban sa 11 persons of interest sa tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱3.5 bilyon mula Laos.
Kabilang sa mga pinangalanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Edriezan Hadji Nasser Rimbang, dating miyembro ng Bangsamoro Parliament na umano’y financier ng operasyon.
Tinatayang ₱11 milyon ang halaga ng ginamit na pribadong eroplano para sa tangkang paghahatid ng nasabing kargamento.
Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang apat sa 11 persons of interest dahil umano sa paggamit ng mga pekeng address.
Samantala, ipinatawag din ng House Committee on Dangerous Drugs sina DILG Secretary Jonvic Remulla at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isagani R. Nerez para sa isang paunang briefing tungkol sa kaso.










