TUGUEGARAO CITY-Umabot na sa 1,712 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Region 2 kasunod ng 23 bagong kaso na naitala nitong Setyembre 30 na inilabas lamang ngayong araw.

Batay sa panibagong datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-Region 02, mula sa mga bagong kaso ng virus ay 15 dito ay mula sa Cagayan at walo sa Isabela.

Pinakamarami pa ring may naitalang kaso ng virus ang Probinsya ng Isabela na may 632, Nueva Vizcaya na may 559, 429 naman sa Cagayan, Santiago City na may 86, Quirino na may lima at dalawa sa Batanes.

Nasa 58 naman ang bagong nakarekober sa virus kung saan 43 ay mula sa Nueva Vizcaya, sampu sa Isabela at lima sa Cagayan dahilan para umakyat na sa 1,301 ang nakarekober sa rehiyon.

Mayroon namang 382 na active cases ang rehiyon kung saan 58 percent dito ay asymtomatic, 41 percent ay mild at 1 percent ang severe.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa 29 na ang casualties o namatay dahil sa covid-19.