TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma ni Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 ang pagdalo ni Agriculture Sec. William Dar sa turn over ceremony ng farm to market road project sa bayan ng Peñablanca sa Nobyembre 9, 2019.
Ayon kay Edillo,ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P200 milyon kung saan maraming magsasaka ang makikinabang dahil malaking bilang ng Brgy ang masasaklawan nito.
Aniya,maiibsan na rin ang nararanasang hirap ng mga magsasaka sa paglabas at pagbenta ng kanilang mga produkto sa merkado.
Dagdag pa ni Edillo, maaring mismong mga traders na rin ang magtutungo sakanilang lugar para bilhin ang kanilang mga produkto.
Bukod dito, sinabi ni Narciso na pupulungin din ni Sec. Dar ang mga magsasaka sa Cagayan upang talakayin ang bagong programa ng DA.
Samantala,posible rin umanong bisitahin ni Sec. Dar ang mga sugatan at pamilya ng mga namatay sa Apayao tragedy kung saan 19 ang namatay at mahigit 20 ang nasugatan.