Nagbabala si Senator Sherwin Gatchalian na mapipilitan ang senado na ipa-contempt ang suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kapag hindi pa rin siya haharap sa pagdinig sa July 10.

Sinabi ito ni Gatchalian matapos na mabigo si Guo na dumalo sa preliminary investigation ng Department of Justice at tanging abogado lamng nito ang humarap.

Binigyan diin ni Gatchalian na may ipinadala ang Senado na subpoena para kay Guo at hindi para sa kanyang abogado.

Duda si Gatchalian sa rason ng abogado ni Guo na nakakaranas ng anxiety ang kanyang kliyente kaya hindi siya nakadalo sa preliminary investigation.