Nasa coma umano ang bagong talagang supreme leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei at naputulan ng isang paa matapos na masugatan sa air strike na kumitil sa buhay ng kanyang ama na si Ayatollah Khamenei.

Ayon sa report, nagtamo umano ng matinding injuries si Mojtaba, 56 anyos at kasalukuyang sumasailalim sa gamutan sa Tehran.

Idinagdag pa sareport na bukod sa naputulan ng paa, nagkaroon din ng pinsala sa tiyan at atay si Mojtaba.

Ayon sa report ng The Sun, mahigpit ang seguridad sa Sina University Hospital sa Tehran, kung saan ginagamot ang supreme leader.

Nakaselyo din umano ang hospital unit kung saan patuloy patuloy ang intensive care treatment kay Mojtaba.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa report, na si veteran trauma surgeon Mohammad Reza Zafarghandi ang nagbabantay sa panggagamot kay Mojtaba.

Idinagdag pa ng The Sun na pinalabas ng Iranian state television na nasa maayos na kundisyon si Mojtaba matapos na maglabas ng unang kanyang pahayag buhat nang maupo siya sa puwesto.

Ang news anchor ang nagbasa ng pahayag at hindi mismo si Mojtaba, kung saan nagbabala siya na ipaghihiganti ang dugo ng Iranians at patuloy ang gagawing pag-atake sa regional shipping routes, kabilang ang banta na pagharang sa Strait of Hormuz.

Ayon pa sa ulat, ang mga pag-atake ng Iran ay walang direktang kautusan mula kay Mojtaba.