TUGUEGARAO CITY – Natagpuang palutang-lutang sa ilog Cagayan sa Barangay Bayo, Iguig ang bangkay ng isang lalaki ngayong Sabado de Gloria.
Ayon kay Police Staff Sergeant Dexter Peralta ng PNP Iguig, posibleng mula sa bayan ng Solana at maaaring naanod lamang sa bayan ng Iguig nang marekober ng pulisya ang di pa nakilalang bangkay.
Ayon kay Peralta, ang nadiskubreng bangkay ay nakasuot ng putting T-shirt, gray na underwear at tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos.
Kaugnay nito ay naipaabot na rin sa himpilan ng PNP Solana ang nadiskubreng bangkay habang patuloy ang imbestigasyon ng PNp Iguig.