Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril patay sa isang punong barangay sa labas ng kanyang opisina sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Dead on the spot si Orlino Gannaban, 59-anyos habang nagpapagaling na sa pagamutan ang nadamay na tanod na si Espidio Zingapo, 69-anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Police Major Reymund Asistores ng PNP-Tuao na nakasakay na sa kanyang motorsiklo ang biktima para umuwi nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo.
Kapwa nagtamo ng tama ng cal.45 na baril ang dalawang biktima.
Si Gannaban ay natalo sa pagka- Sangguniang Bayan sa nakalipas na halalan at mahigpit na kritiko ng kasalukuyang administrasyon sa Tuao.
Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang pulisya sa motibo sa krimen.
Bukod sa mga hawak na witness ay nire-review na ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.