Tuguegarao City- Nadagdagan ng isa pangng panibagong kaso ng COVID-19 ang Region 2 batay sa kumpiramasyon ng Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2 ay umabot na sa 27 confirmed COVID-10 cases sa rehiyon.

Ika-27 sa listahan si PH 4805, 40 anyos at isang health worker na mula sa Cauayan City, Isabela.

Sa panayam kay Oliver Baccay ng Philippine Information Agency Cagayan, nakasalamuha umano nito si PH 3987 na isa ring medical personnel at nasama sa augmentation ng contact-tracing sa National Capital Region sa kasagsagan ng COVID-19.

Bagamat positibo sa sakit ay stable aniya ang kalagayan ng mga pasyente na ngayon ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, mula sa kabuuang bilang na 27 COVID-19 cases sa rehiyon ay 21 na sa mga ito ang nakalabas sa pagamutan habang ang 6 na natitirang pasyente ay hinihintay pa ang resulta ng kanilang swab