Tuguegarao City- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 2 ang isa pang panibagong kaso ng COVID-19 confirmed patient sa bayan ng Lallo, Cagayan.

Sa datos na inilabas ng DOH Region 2, umakyat na sa apat ang nakumpirmang bilang ng mga bagong nagpositibo sa virus.

Huling naitala ang 37 anyos na babaeng nagmula sa Quezon City, Manila at dumating sa Lallo noong ika-9 ng Hunyo.

Sa ngayon ay nakatakdang dalhin sa pangangalaga ng CVMC ang naturang pasyente habang patuloy na nagsasagawa ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy ang mga nakasalamuha nito.

Sa kabuuan ay ito na ang ika-apat sa mga panibagong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan Cagayan kung saan una ring kinumpira ng DOH ang isa pang pasyente sa bayan ng Lallo at 2 pa sa bayan ng Alcala, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Muli pa ring ipinapaalala sa publiko ang pagsunod sa mga precautionary protocols laban sa banta ng COVID-19.