Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho o livelihoods sa mahigit dalawang milyon nitong buwan ng Abril kasabay ng pagpasok ng mga tao sa labor force, naghahanap ng trabaho, subalit sa nasabing panahon iilan lamang ang natanggap.
Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, ang mga walang trabaho, edad 15 at pataas, ay bahagyang tumaas sa sa 2.06 million noong Abril mula sa 1.93 million noong March 2025.
Ayon kay Mapa, sa year-on-year, ang mga walang trabaho ay tumaas sa 23,000 mula sa 2.04 million noong April 2024.
Ipinaliwanag ni Mapa na dumami kasi ang mga kasama sa labor force, labor force participation, at kapag tumataas ang labor force participation, hindi naman lahat ay nakukuha para magkaroon sila ng trabaho.
Tumaas ang labor force participants sa 340,000 mula April 2024 at nasa 780,000 mula 49.96 million mula March 2025.
Sinabi ni Mapa na sa 340,000 year-on-year growth sa labor participation, 317,000 ang nakapasok sa trabaho habang 23,000 ang hindi natanggap.
Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng walang trabaho noong Abril, ang bilang ng employed persons ay tumaas ng 650,000.
Ang resulta ng pinakahuling LFS, ang Services ang nananatiling top sector sa bilang ng mga employed persons na may share na 61.9 percent sa kabuuang bilang ng mga may trabaho noong April 2025.
Naitala naman ang 20.6 percent sa Agriculture sector habang 17.5 percent naman sa Industry sector sa kabuuang bilang ng mga may trabaho at livelihoods sa nasabing panahon.