Iwinagayway ng BINI ang watawat ng Pilipinas matapos maging kauna-unahang Filipino pop group na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 sa California, USA.

Sumabak sa Mojave Stage ang walong miyembro, kung saan kanilang tinapos ang performance sa kantang “Pantropiko,” suot ang modernong kasuotang may Filipino-influence, kabilang ang salakot.

Trending din ang mabilisan nilang outfit change, na nagpahanga sa kanilang mga fans at maging sa international audience.

Bukod sa BINI, tampok din sa Coachella ang mga sikat na music artists tulad ng Katseye, Sabrina Carpenter, at Justin Bieber.