Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bagong Taxpayer Portal (TP Portal) para sa mga taxpayer na kabilang sa Large Taxpayers Service (LTS), bilang bahagi ng digitalization ng sistema ng buwis sa bansa.

Ayon sa BIR, ang TP Portal ay isang centralized at secure na online platform na magpapahintulot sa mga taxpayer na mas madaling pamahalaan ang kanilang tax records at transaksyon sa isang sistema.

Sa pamamagitan ng portal, maaaring makita ng mga taxpayer ang kanilang registration details, ma-monitor ang filed tax returns, masubaybayan ang tax payments, at ma-access ang account ledgers at system-generated reminders.

Layunin ng bagong sistema na mapadali ang compliance at magkaroon ng mas organisado at consistent na record-keeping para sa parehong taxpayers at BIR.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, aalisin ng portal ang pangangailangang gumamit ng iba’t ibang sistema at paulit-ulit na proseso sa pag-aasikaso ng buwis.

-- ADVERTISEMENT --

Para naman kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, pilot implementation muna ito na nakatuon sa malalaking taxpayer upang mas maayos na ma-develop ang sistema habang patuloy itong pinapahusay.