Magkasabay na nagulat sa naging budget deliberation sa Senado sina Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros at Senador Win Gatchalian nang malaman nila mula sa Department of Justice na ‘at large’ o hindi hawak ng awtoridad si Cassandra Li Ong.

Maalala, si Cassandra ang nakasulat sa dokumento na tumayong representative ng Philippine Offshore Gaming Operator sa Lucky South 99.

Pagpapaliwanag ni Gatchalian, nangyari raw ito nang palayain muna sa Kamara si Cassandra dahil sa transition ng 19th congress papuntang 20th congress.

Dagdag pa niya, saka pa lang din ito nasampahan ng kaso sa Pasig RTC Branch 157 noong pinalaya na ito.

Kaugnay nito, patuloy ang paghahanap ng awtoridad sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Nababahala naman si Hontiveros na baka gumamit ito ng backdoor tulad ng ilan.