TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 13 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Region 02.
Batay sa panibagong datos na inilabas ng ng Department of Health (DOH)-Region 02, mula sa bagong kaso ng virus, walo ay mula sa Cagayan, tatlo sa Nueva Vizcaya at dalawa sa Isabela.
Nasa 93 naman ang bagong nakarekober kung saan 61 dito ay mula sa Nueva Vizcaya, 19 sa Isabela, walo sa Santiago City at lima sa Cagayan.
Kaugnay nito, umakyat na sa 1,669 ang kabuuang naitalang confirmed cases ng covid-19 sa rehiyon kung saan nasa 457 ang active cases, 1,185 ang nakarekober at 27 ang nasawi.
Mula sa bilang ng aktibong kaso, 59 percent ay asymptomatic, 40 percent ang nasa mild condition at 1 percent severe case.
Pinakamarami sa mga naitalang kaso ay mula sa Isabela na may 617, Nueva Vizcaya na may 559, 408 sa Cagayan, 80 sa Santiago City at lima sa Quirino.
Nananatili namang covid-19 positive free ang probinsya ng Batanes.