TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na magnenegatibo sa Coronavirus disease (COVID-19) ang re-test nina PH275 at PH661.

Ayon Kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Chief ng CVMC, malakas na ang dalawa at wala ng nararamdamang sintomas ng virus at maging ang anim na nagpositibo ng virus sa Cagayan ay stable na ang kanilang kalagayan.

Ikinagalak naman na inihayag ni Baggao na nitong nakalipas na dalawang araw ay walang naidagdag na PUI o person under investigation sa pagamutan.

Aniya, nanatiling 16 ang kanilang minomonitor na PUI sa CVMC.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Baggao ang publiko na manatili sa kanilang mga tahanan para hindi na mahawaan sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan, na si PH275 ang kauna-unahang nagpositibo ng virus sa Cagayan na residente sa lungsod ng Tuguegarao habang si PH661 ay mula naman sa bayan ng Tuao.