Magkakaroon naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng DOE na maglalaro mula P0.40- P0.70 sa kada litro ang pagtaas sa gasolina.

Habang ang diesel ay may bawas na mula P1.30 – P1.60 sa kada litro.

Ganun din sa kerosene na mayroong bawas na P0.85- P1.00 sa kada litro.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.

-- ADVERTISEMENT --