Patay ang dalawang 20-anyos na mga lalaki sa loob ng isang coffee shop sa Barangay Paradise 3, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rey Allen Nevado De Jose, residente ng Brgy. Muzon East at isang college student, at Jeric Castillo ng Brgy. San Isidro.

Batay sa ulat ng SJDM Police Station, dumating ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket, maong shorts, at tsinelas sa lugar at walang babala na pinagbabaril ang dalawang biktima na noo’y nakaupo sa loob ng coffee shop.

Dead on the spot si Rey Allen habang naisugod pa sa ospital si Jeric para sa paunang lunas, subalit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Sa nakuhang CCTV footage, makikita ang pagtakas ng suspek sakay ng motorsiklo, kasama umano ang kanyang kinakasama at anak na binatilyo, ilang segundo lamang matapos ang pamamaril

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon at pagtugis ang mga awtoridad sa salarin.