Matagumpay na nakadaan sa Strait of Hormuz ang dalawang container vessels na pagmamay-ari ng Chinese shipping giant Cosco, sa kanilang paglabas mula sa Gulf.

Unang tumawid sa strait ang CSCL Ocean kahapon, na sinundan ng CSCL Artic Ocean, matapos ang 27 minuto, ayon sa data mula sa Marine Traffic.

Dumaan ang dalawang barko sa isla ng Larak na kontrolado ng Iran at patungo ang mga ito sa Port Klang sa Malaysia.

Tumangging magbigay ng pahayag ukol dito ang Cosco.

Una rito, sinabi ng Iran na bukas ang strait sa mga barko mula sa tinawag nilang “friendly countries.”

-- ADVERTISEMENT --

Nananatili ang malusog na relasyon ng dalawang bansa.

Matatandaan na noong Miyerkolos, sinabi ng Cosco na muli nilang simulan ang bookings para sa shipments mula sa Asya papunta sa maraming bansa sa Gulf, bagamat hindi kailangan na dumaan sa Hormuz.

Unang sinuspindi ng kumpanya na nakabase sa Shanghai ang bookings para sa mga serbisyo sa pamamagitan ng strait nitong buwan ng Marso dahil sa giyera sa Iran.