Dalawang flights na ang inaayos ng pamahalaan para iuwi sa bansa ang overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isa sa flights ay aalis mula sa Riyadh, Saudi Arabia, para sa mga Pilipino doon at maging ang nasa Kuwait at Bahrain, habang ang isa pa ay aalis mula sa Fujairah sa United Arab Emirates pra sa mga OFWs sa Dubai.

Inaasahan na aalis ang flight sa UAE sa March 13, at makakarating sa Manila ng gabi o madaling araw ng Sabado, March 14.

Sinabi pa ng Pangulo na pupunta ng Dubai si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, para masamahan ang mga uuwing OFWs at makita ang sitwasyon doon.

Idinagdag pa ni Marcos na maraming Pilipino na ang nare-patriate sakay ng tatlong Emirates flights.

-- ADVERTISEMENT --