Dalawang katao ang namatay habang apat ang nasugatan sa pamamaril sa Parañaque City.

Ayon sa pulisya, naglalaro umano ang mga biktima ng basketball nang magpaputok ng kanyang 9mm pistol ang isang 29 anyos na gunman sa nasabing lugar kagabi.

Sinabi ni Parañaque City Police chief Nicolas Piñon, ang gunman ay residente sa isang unit sa residential building sa lugar.

Batay sa CCTV footage, makikita na biglang pumasok, pagbaba niya sa kanyang unit, bigla siyang pumasok sa basketball court at namaril.

Ayon sa pulisya, umalis sa compound ang gunman pagkatapos ng pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Piñon na kasalukuyan na ang ginagawang hot pursuit operations sa gunman.

Samantala, nasa ligtas nang kalagayan ang apat na nasugatan sa insidente.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaril.