Tinupok ng apoy ang dalawang palapag ng bahay Bgry. Dana Ili, Abulug, Cagayan.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Abulug, aabot sa P4.3 milyon ang halaga ng pinsalang nasunog sa nasabing bahay na pagmamay ari ni Ginang Profetiza Dela Cruz.
Lumalabas sa imbestigasyon na pasado alas sais ng gabi nang makatanggap ng tawag ang BFP mula sa concern citizen kaugnay sa nangyaring sunog sa dalawang palapag na bahay.
Ilang mga kagamitan lamang umano ang naisalba dahil tinupok ng apoy ang buong bahay habang wala namang naitalang sugatan o nasaktan sa nasabing insidente.
Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.
-- ADVERTISEMENT --