
Patay ang dalawang katao habang 16 na iba pang pasahero ang nasugatan matapos na mawalan ng kontrol ang isang jeepney at nabangga ang isang sasakyan sa Commonwealth Avenue in Quezon City kahapon ng umaga.
Hindi na kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga biktima, subalit sinabing hinuli ang driver na si Chito Tabilog dahil sa reckless imprudence resulting in multiple homicides, physical injury, and damage to properties.
Ayon sa pulisya, nabangga ng jeep ni Tabilog ang kaliwang bahagi ng transport mini van na minaneho ni Geraldine Opalla at isang Toyota Vios.
Dahil dito, nagtamo ng mga pinsala ang mga sangkot na mga sasakyan sa nasabing vehicular accident.
Dalawang lalaking pasahero ang idineklarang dead on arrival sa ospital, habang ang 16 na sugatan ay dinala sa East Avenue Medical Center at Quezon City General Hospital.