Inirekomenda na ng mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) ng Disease Prevention and Control Bureau (DPCB) ang deklarasyon ng “Malaria Free” sa lalawigan ng Cagayan matapos pumasa sa isinagawang pagsusuri.

Kabilang din sa mga probinsya na sumailalim sa presentasyon at pagsusuri, ang Isabela, Nueva Ecija, Zambonga at, Zambalez kung saan pangunahing layunin nito na madagdagan ang 66 na malaria free provinces sa bansa sa taong 2024.

Ayon kay Dra. Rebecca Battung, OIC Provincial Health Officer ng Cagayan, ang lalawigan ay endemic sa sakit na malaria dahil ang panghuling kaso ng “local malaria” ay naitala pa noong 2016.

Kabilang naman aniya sa naging basehan ng Technical Working Group upang mapasama ang lalawigan sa masusing pagsusuri ay dapat limang taong walang maitalang kaso ng local malaria.

Mula taong 2016 ay naging masigasig ang mga kawani ng mga health center sa Cagayan kasama ang DOH Region 2, at ibang stakeholders sa kanilang active case findings at proper treatment.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama din dito ang pagbaba ng mga logistics tulad ng insecticides, pagsasagawa ng surveillance, reporting at monitoring ng mga nagkakasakit, information education and communication campaign at social mobilization and advocacy upang masiguro ang pagsugpo sa kaso ng malaria.

taong 2022 naman ng ianunsyo ng Technical Working Group sa Provincial Health Officer ng Cagayan na maaaring maging kandidato na sa pagiging malaria free ang probinsya kung saan nakatakda namang magsagawa ng final evaluation ang DOH Central Office at ang awarding ceremony ay nakatakda sa taong 2024.